Arnel & Jeselyn

Wedding Kwento and Experience

Kwento sa Wedding during the National Calamity.

Kahit si Ondoy hindi kami napigilan - tuloy pa rin ang KASAL namin...

Kahit si Ondoy hindi kami napigilan - tuloy pa rin ang KASAL namin...

by: Jeselyn Morales

Last Saturday, Sept 26, 2009 habang nanalasa ang bagyong Ondoy at baha na sa iba't ibang bahagi ng Makati...indi kami napigilan, tinuloy pa rin namin ang kasal.... Kahit zero visibility sa labas ng Joya Condotel sa Rockwell at baha na sa paligid namin sumuong pa rin kami.... gusto ko nang sumuko pero indi ako nagpatalo..
Pagbaba ni Groom sa condotel pinapasok na yung lobby ng hotel na tubig ulan... yung ibang bisita from batangas at ibang bahagi ng south indi na nakapunta wala na silang madaana.... kahit sa paligid ng church na napili namin baha na din sa NSSH (National Shrine of the Sacred Heart) baha na sa papapuntang PRC, sa Buendia, JP Rizal, sa Kalayaan at sa may bangdang Makati Fire Station... Habang papababa na ako kasama ang parents ko from hotel (same hotel at floor lng kami ni groom , magkaiba lng ng wing) palakas ng palakas ang ulan... buti nlang pagbaba ko natanggal na nila yung tubig sa lobby... kasama ko yung parents at isang coordinator sa bridal car... ikot kami ng ikot para makapunta sa church nastock kami sa buendia cor. pasong tamo sa may bandang comfoods... hanggang didib na ang tubig... tumawag si groom nakarating na ng church kasama yung isang coordinator namin sumakay sila ng pedicab (sayang wala silang picture habang nasakay ng pedicab)
nakatungtung na sila sa upuan habang tinatawid nila yung papunta ng church muntik na bumaligtad yung sinasakyan nila... buti nalang dami tunulong sa kanila itinulak yung pedicab... tapos sigaw daw ng isang lalaki dun tulungan natin ito , IKAKASAL ITO!!! nung nandun na sila tumawag sa akin si groom kung ok lng daw na kaming dalawa nalang at dalawang witness basta matuloy lng kami... habang kami naman nastock sa buendia si papa ko bumaba na ng bridal car para makahanap ng way kung paano kami makakarating sa church... Kahit ano sasakyan payag na ako para makarating lng ng church... nagpalit na ako ng damit, pinahiram na sa akin ng coordinator ko yung pambahay nya para magpedicab ba din kami... kaso running water indi ako pumayag kasi baka kung mapaano kami... kaya ikot uli kami... kahit bawal dinaanan na namin basta makarating lng po... Pag-ikot namin, dun kami tumambay sa Makati Firestation
para humiram ng firetruck para makatawid papuntang church may convoy pa po kaming pedicab nun... nakapaambahay na ako ready na talga akong sumulong sa baha.. sbi ni mama sa akin "Ano ba to parang pelikula!".. . Buti na lng may Angel na dumating... yung isang DJ ng RX93 natatanong ng direction sa mga tao sa firestation kasi susunduin nya GF nya buti along lng sa church nya hahanapin... sa windang ko indi ko na natanong yung name nya buti nlang ang dala nya sasakyan 4x4 pick-up ni Rico Robles (ex PBB). Siksikan kami ni Mama kadungan na kami, yung coordinator sa harap, tapos sa likod yung photographer at si papa... basang basa sila ng ulan, THANK YOU so MUCH sa ANGEL namin... nagpapicture muna kami sa DJ bago pumasok sa church... sa loob na ako ng church nagpalit... wala ng kyeme... late na kami sa time namin kasi dapat 1pm kaso dahil sa baha indi natupad yun, after nga ko magbihis sabi 15 mins simulan na natin wala ibang tao kundi isang pares ng ninang,
sina mama at papa , coordinators at photographer. .. were very sad to hear that the next wedding after us is cancelled, they resched the wedding on DECEMBER.. Thank you din sa kanila kasi pinagamit sa amin yung time nila, naging 3pm kami, buti na lang humupa yung ulan kahit sandali bumaba yung tubing kaya ilang sandali palang dumating na din yung ibang bisita at kamag-anak.. . antay namin ang 3pm... kala ko walang taga-MPO ang nakarating, yung singer nila nauna pa pala sa amin... Thank you Ms. Ma-ann of MPO... Pagkanta nya ng wedding march ko natuluyan yung pag-iyak ko kasi pinipigilan ko lng bago mgsimula... Habang nasa altar na si groom, mixed emotions natalaga ako... tapos si mama umiiyak na lalo pa tuloy ako napaiyak... kakaloka indi ko na talga napigilan... Buti na lng si Groom ang laki ng smile hanggang tenga... Kahit baha at binabagyo natuloy ang kasal... thank you kay Kuya Francis ng NSSH at kay
Father (nakalimutan ko name pasensya na) kahit kaunti lng kami ok lng, basta safe yung ibang indi nakarating, dami kasi nastock... Pagpunta nmin sa The Loft Rockwell sumuong pa rin kami sa baha sa JP Rizal pinasok na yung bridal car buti nlang indi tumirik sa gitna at nakalagpas kami... Thank God...
and the Party Begin....

Very Long Read .... thank you sa mga nagbasa
Next time naman yung iba.

Isang Pasasalamat

Isang Pasasalamat

Karugtong po ng mga pangyayari during our wedding last Sept. 26, 2009...(ngayong lng naayos internet namin). Buti nlang po maaga nakarating sina aking make-up artist si Ms. Victoria Gonzales pag-kaset-up nya start na kami ng make-up, sa buong maghapon na iyon ang nakain ko lng 3 subo ng egg at 1 subo ng sausage sa breakfast meal ni Diana (Maid of Honor ko) , tapos dumating si Ms. Jhoanna Sebastian (ng Brides Diary Coordinator) kasunod sina Sir JR Sebastian (ng ParkerShot). Todo prepare ang lahat bago pumunta sa church...buti nlang nakarating si Kuya Matto (wedding Gown designer ko) para tulungan ako magbihis kaso indi na sya tumuloy ng church at reception kasi baha na kaya umuwi na sya tapos hanggang bewang naman ang baha sa knila...Nung nakarating si groom ngtry sila pakiusapan ang church na sa reception nlang gawin ang ceremony kaso bawal po nung sinabi sa knya na na khit kaming dalawa lng at dalawang witness po basta matuloy lng ang kasal naalala
ko tuloy yung movie na KKK nung nagpakasal sila juday at ryan isang metro aid at isang traffic enforcer lng bsta tuloy... Nung dumating si h2B sa church ilang sandali lng po dumating kami, mga ninang at mga in-laws, ang ilang bisita wala atang 100 ang naging bisita namin sa church pero ok lng... Habang nag-aantay kami ng oras namin para simulan ang kasal...yung mga photographer nmin sinuong ang baha na hanggang dibdib para lng makarating sa simbahan(very thankful talaga ako sa kanila PARKERSHOT) kaya pagdating sa simbahan basang sisiw din sila... retouch tlaga ako ng make-up buti nlang may kikay kit na dala ang aking coordinator (thank you so much kay Brides Diary) kasi yung make-up artist ko indi na nakasunod sa simbahan dahil sa baha kaya diretso nlang sila sa reception (thank you kay Ms. Victoria Gonzales -make-up artist).. Nakarating din ang ibang coordinator dala ang mga parapernalias namin (aras,singsing, secondary veil, at cord) buti nlang
nakarating din sila...Thank you po sa Eloquente Group pagdating namin sa reception area sa The Loft @ Manansala sa Rockwell ang ganda ng ayos ng area... kala ko sa magazines ko lng nakikita yun, ganda talaga ng pagaayos nila... indi nakarating yung soundsystem nila kasi tumirik sa daan wala kaming souvenir dahil binaha din si BAI Capture... (ang pinakamaganda sanang souvenir na mbibigay namin kaso ganun talga walang may gusto) parang si MPO lng, wala din sila... indi na talga nakarating.. . buti nlang ang Joya (ang condotel na tinuluyan namin meron)... kala ko indi na namin masasayaw ang aming pinaghandaang dance number ang NOBODY by Wonder Girls todo practice pa naman kami... buti nlang nakarahiram, nagulat tuloy ang lahat, daming cellphone ang lumabas... naloka sila sa dance number namin kala nila traditional lng pero hahahaha NOBODY talaga.... NOBODY can't Stop us talaga...

Update ko kau mga sis kung naupload na namin sa youtube.... hahahaha

WeRe VeRy ThAnKfUl To OuR sUpPoRtIvE SUPPLIERS!!! ! Thank you so much...