Rudy & Escie

The Proposal Story

When: May 12, 2008
Time: 10:00-11:00pm
Location: Bus 240 from Jurong Point Mall, Singapore

FAB SOAP

FAB SOAP

Hmmm that day masungit si Rudy kasi dapat susunduin ko cya sa may Lakeside station ng MRT eh di ako makaalis kasi magisa lang ako sa bahay tapos wala pa akong susi so sabi ko sunduin nya na ko :)

Papunta kami nun sa Jurong Point para bumili ng sabong panlaba dahil naubusan na ko at di ako makapaglaba hehehe.. Para sa akin ordinaryong araw lang un..

Naginvite cya na kumain kami sa mamahaling resto kaso sabi ko wag na sayang pera.. Mag KFC ka tapos ako bibili na lang ng Tom yum soup :)

So, alis ako para bumili ng tom yum, pagbalik ko kumakain na cya :) Deadma lang ako kasi nga masungit cya.. After nun punta na kami sa Fairprice sa baba ng Jurong point mall para bumili ng Fab na sabon..

On our way sa Bus station may inabot cyang kulay violet na paper bag, eh lagi naman cyang ganon malamang pasalubong na chocolates na naman hehehe sa bahay na lang.. Pagsakay namin ng bus, iniinsist nya na buksan ko ung paper bag sabi sa bahay na lang sabi nya cge na check mo.. Since di na masyado masungit tinignan ko.. Hala nagulat ako nung nakita ko.. Ang panget ng box hehehe (salbahe ko talaga...) Seriously, nagulat ako ksi nga di nako nageexpect dahil sabi ko "nice to have" lang un...

Kinuha ni Rudy ung kahon tapos ung sing-sing sabay bulong

Rudy: Hun, will you marry me?! sabay ngiti
Escie: Ha?! oo naman..

Di ko kasi alam mararamdaman ko that time.. nakangiti tapos ewan Unexplainable ung feeling :) di rin kasi ako makapaniwala na hay totoo na..

Habang sinusuot nya bumulong ulit ng "I love you.."

Hehehe paguwi ng bahay dun ko lang narealize lahat.. Umiyak ako sa tuwa.. And I prayed and thank God sa blessing na ito..

Officially engaged na ko dati pa.. Bonus ko ito kasi good girl ako :) hehehe..

Pahabol:
kya pala cya masungit that time may plan cya kaso sinira ko dahil sa Fab na sabon na gusto kong bilhin sa Jurong point..

Thanks FAB your so FABulous :)